Friday, July 10, 2009

Liham ni Bebeng


Nurse si Bebeng sa L.A. Isinama niya ang kanyang ina upang magpagamot doon. Ngunit sa kasamaang palad doon na inabot ng pagkamatay ito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Bebeng. Minabuti niyang pauuwiin na lang mag-isa ang kabaong ng kanyang ina. Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na dikit ang mukha ng ina sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak, "Ay, naku!

Tingnan mo 'yan... hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika! Nakudrado tuloy ang mukha ng inay."
Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang
kabaong. Aba ! May sulat na-nakastaple sa dibdib ng Inay! Kinuha nila ito at binasa.


Ito ang nilalaman ng liham mula kay Bebeng:

Mahal kong tatay at mga kapatid:

Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang Inay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. "Ang gastos ko sa kanya pa lang ay mahigit $10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod...

Nasa likod ni nanay ang dalawampu't apat na karnenorte at isang dosenang spam.

Ang adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.

Ang iba't-ibang klas
e ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni Inay, para sa mga bata ito.

Bahala na kayong magparte-parte, sana'y hindi natunaw. Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift Ko sa first birthday ng bata. Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene.

Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni Inay, japanese version ng pokemon trading cards at stickers. "Suot ni Inay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.

Suot din ni Inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party. May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay.

Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Mike. Bigyan nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at yung isa ay kay Pareng Isko.

Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni Inay ay para sa mga anak mo, Diko, na nagbabasketball. Tigdadalawang ream ng Marlboro lights at Winston red ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay.

Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan.

Isang dosenang Wonder bra (
Victoria 's Secret ata ang tatak) gustong-gusto ni Tiya Iskang society natin, suot-suot din ni Inay. Alam kong inaasam-asam nyo 'yan, tiya. Anim na lipstick lang ang kasya sa bra. Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay. Nakatakip sa Nike na wristband. Kunin mo agad, Itay.

May isinisik akong zip-loc sa bunganga ni Inay na naglalaman ng $759 dollars.

Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon.

Iyong tong na makokolekta, i-time deposit nyo Kuya para pag namatay si Tatay may pambili na ng ataul. Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters) na gustong-gusto mo, Ditse, ay suot- suot din ni Inay. Kunin mo na rin agad, Ditse. Ibigay mo ang isang nailcutter kay Jay bakla sa kanto.

Tanggalin nyo ang bulak sa ilong ng inay, may isiniksik ako 3 diyamante sa bawat butas.

Ibangon nyo lang si inay at tiyak na malalaglag na ang mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.

Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si nanay pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, Itay, kuya, ate, dikong, ditse, para sa inyo lahat ito.

Bahala na kayo kay Inay. Pamimisahan ko na lang siya rito.

Balitaan nyo na lang ako pagkatapos ng libing. Alam ni ate ang email ko.

Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.


Nagmamahal,


Bebeng

Monday, June 22, 2009

Before its too late


Putek! Isa’t kalahating oras na ako sa harap nitong laptop ko…. di ko talaga maumpisahan ang ipopost ko. Di ko kasi alam kung paano at saan ako mag uumpisa. Hanggang ngayon kasi manhid parin utak ko sa mga nangyari kagabi. Ang saya naman nag uusap kagabi pero bakit bigla kang nagdecide ng ganun. Nakakagulat….. namanhid ako dun ah!.....pakiramdam ko tinadyakan ako palabas ng bahay…..


Minsan sa buhay, hindi mo kailangang ipakita sa kilos para malaman nila kung ano ang tunay mong nararamdaman…. minsan.. kailangan mong gamitin ang bibig para masabi mo ang totoo mong feelings. Sa tuwing nag uusap kayo at laging nauuwi sa inisan at talakan hindi ibig sabihin nun eh nababawasan ang feelings nyo.. bagkus… lalo kang minamahal ng kausap mo… di nga lang nagpapahalata pero nasasaktan din sya…. Wala eh.. magaling magtago. Di mo ba naisip na kaya nya sinasabi na di ka na nya mahal eh dahil wala syang nakikitang pagbabago? Wala ka sigurong sinasabi puro ka action…. Pre! Subukan mo kayang gamitin ang bibig mo para masabi mo yung tunay mong nararamdaman… ano? Natatakot kang masaktan mo sya? Bakit? Sa tingin mo ba sa ginagawa mo ngayon eh di mo sya nasasaktan? Doble pa nung una syang nasaktan.


Eto….. isipin mo ha….. oo gumawa ka nga ng paraan kagabi at tinawagan mo sya ng anim na beses pero di ka nya sinagot…. ayan ka na naman…. Sarili mo na naman ang iniisip mo… akala mo kasi porket hindi nya sinagot ang tawag mo eh ayaw nyang marinig yung mga sasabihin mo. Hindi mo ba naisip na kaya nya di sinagot ang col mo kasi iyak sya ng iyak sa nabasa nyang txt mo na tinataboy mo sya? Minsan na syang sumubok na pumasok sa mundo mo pero di ka pumayag….kahit hirap… kahit nasaktan…. Kahit umiyak…. Sinubukan ka nyang intindihin. Araw-araw sinusubukan ka nyang layuan pero di nya magawa kasi…… nagmamahal yung tao…. Pre! Narinig mo? Nagmamahal sayo yung tao! Bakit kailangan mong ipasa ngayon sa kaya ang sisi?


But since yun na yung gusto mong mangyari….. nasasaiyo nayan pre! Diskarte mo.

Monday, June 15, 2009

The pain of moving on..........

For a heart that’s been torn,there’s not much you can do but to understand….

Remember this words? “Don’t worry I will free you, when its finally time for you to go…..”

There’s no easy way to let go of something that I know will never happen again…

But I will face the world around me knowing that I am strong enough to let you go….

I’m aware that you only came into my life for a while, and that time will come

I have to give you up, then that’s the end of it. There goes my life…….

You left me at the very moment that I can’t give you up…

I cry for the memories, I cry for the pain, I cry for the times I thought I had you.

I know you’re not mine, but holding on to you have become my way to keep me alive….

Wish you see the tears run from my eyes Co’z it spells the truth about how I really feels inside

Don’t worry, my tears won’t blame you… those are just the words my heart uses to explain

When even my smiles can’t cover up my pain….

It’s been a while. still I can’t get out from your shadow…..

Till this very moment I’m still trying to pick up the pieces….

Thank you for the love and the pain that I’ll always remember.

EVE NOW… My heart still aches in sadness and secret tears still flow….

One day I can say, “finally…. I’M OVER YOU”

One day, I will be able to stand next to you without wanting to hold your hand…..

Somewhere down my journey,

I will fall in love again….

I know….

I can.

Bakit di ka rin nag-ingat?

Ayoko na sanang mapag usapan or mag post about you pero di ko pwedeng palampasin yung mga sinabi mo kahapon......

Bakit ganun? Sabi mo.... mali ako.... hindi kita naintindihan... di ko nagets ang point mo...so what's your point?!

Kahapon kausap kita..... pinili kong manahimik... pero sa mga sinabi mo di ako pwedeng di magreact. Ano bang ginawa ko? Nagpakatotoo lang naman ako ha... krimen ba yun?
Para maibsan ang sakit na nararamdaman ko.... inamin mong nafall ka rin.... huh? ikaw? nafall? Bakit mo sinasabi ang mga yan? na fall ka din.... pero iba ang pinost mo.... iba ang pinakita mo.... iba ang pinaramdam mo. Subukan mong ipaalam sa mga nagkomento sayo yang nararamdaman mo.... di mo kayang aminin sa kanila kasi ... takot kang mahusgahan din nila.

Alam mo ganito lang yan.............. hindi naman ako kikibo... hindi naman ako magsisintir ng ganito kung wala akong nabasa. Wala lang.... naisip ko lang ipost yung naramdaman ko nung una.... di naman inubliga... di naman ako umasa.... nagsabi lang naman ako kung ano yung naramdaman ko... wala naman akong hininging kapalit. ISINIGAW ko lang. yun lang! pero tulad ng inisip mo sa akin.... sobra ka ring nagreact. Ipinaalam mo pa sa kanila. Ang dami tuloy humusga.... meron din namang nakisimpatya pero grabe yung isa or dalawang nagkomento sayo..... Bakit? kaya nga may blog di ba? para dito isigaw kung ano man ang hinanakit mo. Bakit ka rin nag react? Ang masakit pa dun..... sumang ayon karin sa panghuhusga nila.

Pa! wala akong hininging kapalit!......Wala akong sinabing kailangan ganun ka rin sa akin. Ipinaalam ko lang. Yun lang.... pero bakit ganun? inakusahan mo rin ako.

Wag kang magalit or mag magdamdam sa post nato.... sinagot ko lang yung mga sinabi mo kahapon. Mali ako nung umamin ako na nafall ako sayo.... sabi mo... bakit di ako nag-ingat? pero kahapon.... sinabi mong nafall ka rin...... BAKIT DI KA RIN NAG-INGAT?

Sunday, June 14, 2009

Sa huling pagkakataon.........


8:30pm na.... pasok na naman sa work

Abby!!!!!! sigaw ni mama. Bakit di nabawasan yung shot na dapat kaninang umaga mo pa na inject sayo?!!! Hay! nakalimutan ko yung gamot ko!!!! iyak ka kasi ng iyak ..bulong ko sa sarili ko. hanggang sa nakatulog na ako.... pag gising ay maga parin ang mga mata ko. Nakakatamad... tinatamad akong pumasok sa station.

Naalala kong iniwan kong online ang cel ko sa ym.... pagtingin ko....Hala! wala akong pm..... invisible na naman ako. Alam kong nakita mo akong online pero dedma ako.....nanlumo ako...... naupo sa gilid ng kama.... nag isip..... napatingin sa laptop. sabi ko... eto na... tapos na..... dahan-dahang lumapit at saka binuksan.... for the last time binisita ko kwarto mo.... tumingin sa paligid maraming nagsasayang mga kaibigan mo ang nakita ko..... nandun pa nga yung nanutya sa akin.... pero nginitian ko naman sya sabay sambit ng HAYUP!!!...heheh... ibat-ibang mukha ang nakita ko.... may nakisimpatya at meron din namang kung makatingin at magKOMENTO eh parang KRIMEN na ang ginawa kong pag amin. Habang namamasyal ako sa kwarto mo bigla ko nalang nasambit sa sarili ko na..... magiging masaya ka na... wala ka nang sasabihan ng "makitid ang utak"....at lalo na dun sa mga nagkomento sayo na lumalabas pang napakababaw kong tao.... wala silang alam... di nila alam kung ano ang pinagdadaanan ko ngayon. kaya wala silang karapatang manghusga! Sana wag iparanas sa kanila kung ano man ang naranasan ko ngayon... dahil pag nagkataon...... alam ko.. di nila kakayanin.

Masaya ka na po... naalis na kita sa friendster ko....at di na rin ako bibisita sa kwarto mo inalis ko na. Wag kang mag alala.... kasama pa rin ang son mo sa prayers ko.... and for me...... i got 1 year and six months.... nakakabigla pero kahapon ko lang din nalaman.

Saturday, June 13, 2009

Hindi ako tulad ng inaakala mo.......at ng mga kaibigan mo......PAALAM!

Hay... kakauwi ko lang galing station. pagod....pagod.... at pagod. Pinarada ang oto sa garahe.... pumasok sa pinto... tumingin tingin sa paligid kung may tao pang gising.... wala. Pasok sa kwarto.... naglinis... nagbihis. binuksan ang laptop... nagcheck ng blog.... Shit!!!! kita ko post mo! Ang sakit! ka chat kita nung hapon bakit di mo nalang ako dineretso bakit kailangan pang dito mo pa ako pahiyain! Hindi ako flirt! tulad ng sinasabi mo! hindi ako malandi tulad ng inaakala mo! na fall ako ... oo!.... pero di ako pa-asa tulad ng inaakusa mo sa akin! naging totoo lang ako sa naramdaman ko.

Tama ka... wala akong dapat asahan... dahil ang totoo hindi ako umaasa. Kaya nga di ba sabi ko sasarilinin ko nalang. Ito na ang huling post ko tungkol sa yo. Ganun pala ang iniisip mo sa akin flirt... malandi .... pa-fall.... at paasa! ang sama!!!!! ang sama sama mo!!! Wag kang mag-alala..... lalayuan kita! para di masabi ng friends mo na may inaasahan ako sayo.

Paalam......

Thursday, June 11, 2009

Hirap umamin... itatago ko nalang


Minsan... hawak ko cel ko.... iniisip ko kung mag oonline ako sa ym. Kasi makikita kita ulit dun. Bakit ganun? hirap na hirap akong iwasan ka. Alam ko naman na di pwede. Tingnan mo ha..... kung ikaw ang papangarapin kong maging akin .... paano? di ka na pwede.... maraming masasaktan... tapos di naman ako sure kung nararamdaman mo rin ba yung nararamdaman ko para sayo. Pero sabi ko nga mas ok na yung ganito... sarilinin ko nalang. Pero minsan, di ko maiwasan lalo na pag hawak ko yung cel ko... di pwedeng di ako mag oonline.

Ayoko ng ganito!!!!! pakiramdam ko.... talo ako! talong talo ako! inisip kong iwasan ka... pero ewan ko ba....

Waaaaaaaa!!!! si Abby!!!! na fall sayo! Ayoko! di pwede! iiwasan kita hanggat kaya ko! hanggat kaya pa kitang bitawan.... dahil ayokong dumating yung time na di na kita kayang pakawalan!