Sunday, June 14, 2009

Sa huling pagkakataon.........


8:30pm na.... pasok na naman sa work

Abby!!!!!! sigaw ni mama. Bakit di nabawasan yung shot na dapat kaninang umaga mo pa na inject sayo?!!! Hay! nakalimutan ko yung gamot ko!!!! iyak ka kasi ng iyak ..bulong ko sa sarili ko. hanggang sa nakatulog na ako.... pag gising ay maga parin ang mga mata ko. Nakakatamad... tinatamad akong pumasok sa station.

Naalala kong iniwan kong online ang cel ko sa ym.... pagtingin ko....Hala! wala akong pm..... invisible na naman ako. Alam kong nakita mo akong online pero dedma ako.....nanlumo ako...... naupo sa gilid ng kama.... nag isip..... napatingin sa laptop. sabi ko... eto na... tapos na..... dahan-dahang lumapit at saka binuksan.... for the last time binisita ko kwarto mo.... tumingin sa paligid maraming nagsasayang mga kaibigan mo ang nakita ko..... nandun pa nga yung nanutya sa akin.... pero nginitian ko naman sya sabay sambit ng HAYUP!!!...heheh... ibat-ibang mukha ang nakita ko.... may nakisimpatya at meron din namang kung makatingin at magKOMENTO eh parang KRIMEN na ang ginawa kong pag amin. Habang namamasyal ako sa kwarto mo bigla ko nalang nasambit sa sarili ko na..... magiging masaya ka na... wala ka nang sasabihan ng "makitid ang utak"....at lalo na dun sa mga nagkomento sayo na lumalabas pang napakababaw kong tao.... wala silang alam... di nila alam kung ano ang pinagdadaanan ko ngayon. kaya wala silang karapatang manghusga! Sana wag iparanas sa kanila kung ano man ang naranasan ko ngayon... dahil pag nagkataon...... alam ko.. di nila kakayanin.

Masaya ka na po... naalis na kita sa friendster ko....at di na rin ako bibisita sa kwarto mo inalis ko na. Wag kang mag alala.... kasama pa rin ang son mo sa prayers ko.... and for me...... i got 1 year and six months.... nakakabigla pero kahapon ko lang din nalaman.

5 comments:

  1. good luck sayo, sana kung anuman yan malagpasan nyo ng maayos lahat yan

    ReplyDelete
  2. hello payatot,

    Salamat sa komento.... wag ka mag alala sinusubukan kong malampasan....

    ReplyDelete
  3. ayyy.. :(

    marami pa naman sigurong ibang bagay na pwedi mong pagukulan ng pansin. lilipas din yan. tsaka wag masyadong maging malungkot.

    kaw din, nakakapanget yan!
    pretty mo pa naman ;)

    ReplyDelete
  4. walng cnuman an gmay hawak ng buhay ng bawat nilalang hindi porket cnabing 1 year & 6 months ka na lang yun na yun..., @ yang pinagsisintiran mo pabayaan mo lang kung ayaw nia kamo wag nia!!! girl, laban....

    ReplyDelete
  5. Hello Crappy.... Hi Seaquest

    Salamat sa mga komento..... Balik kayo ulit ha sa madilim kong kwarto.

    ReplyDelete