
bakit ganun? minsan sinama mo ako sa inyo... ang saya-saya ko nung araw na yun kaso bakit pagdating sa bahay nyo... parang di nyo ako nakikita. Dumaan ang nanay mo sa harap ko.... tanda ko pa yung linyang ginamit ko.."good afternoon po" nagpakita ako ng paggalang kasi sabi ng nanay ko kahit nakasimangot kayo sa harap ko kailangan lagi ako nakangiti... pero bakit ganun? minsan ramdam ko na mukha na akong tanga pero parang wala kayong nakikita! ano ba dapat kong gawin? ano ba ang hindi nila gusto? graduate naman akong college.... may ipagmamalaki naman ako pagdating sa pamilya at kabuhayan pero bakit parang kulang parin para sa inyo. ano ba ang inaayaw nyo?! yung pagiging manganganta ko? marangal naman na hanapbuhay yun di ba? mahirap palang kalabanin ang isang prinsipal ng eskwelahan at isang Doktor.
Minsan naisip ko... hindi yata talaga tayo para sa isa't-isa. Habang buhay akong Invisible sa magulang mo. Ayoko na!!!!!

May mga panuntunan ang mga tao na taliwas sa pananaw ng iba. May "standard" sila pagdating sa kanilang pagtingin sa ibang tao. at kung minsan, parang paghuhusga na rin ang kinakalabasan. At ang mahirap pa, ang "standard" na iyan ang minsang nagiging dahilan ng pagmamaliit sa kapwa.
ReplyDeletePero para sa akin, 'yung nagpapakataas, iyon ang ibaba at ang nagpapakababa, iyon ang itataas.
Tuloy mo lang ang pagpapakumbaba, iyan ang dakilang pakikipag-kapwa-tao.
At ang payo ko: Gawin mong hamon ang lahat ng ito para sa lalong ikatatagumpay ng iyong buhay!
Mabuhay ka!
L - Let
O - Optimism
U - Unravel
I - Indiscrimination.
S - Smile to
E - Every
G - Group of
A - Antagonist.
B - Be
R - Ready
I - In
E - Every
L - List of
A - Aspirations.
BE HAPPY!
hi abby, ang hirap ng ganyan ano? bakit nga ba sila ganun sayo? di ba dapat pag mahal ng anak nila mahal din nila? o baka naman mamas boy yung bf mo? sori ha natanong ko lang kase parang di ka nya maipaglaban sa kanila..mag isa ka lang na lumalaban sa kaaway na di mo naman alam ang dahilan kung bakit? alam kong di mo sila kaaway pero sa tema ng nangyayari e parang ganun na rin yon..para sa akin, sa akin lang ha! di ka nya mahal..bakit? kase di ka nya maipaglaban sa kanila..paano pala kung kasal na kayo tas ganyan pa din ang nangyayari, paano ka na? isa lang ang payo ko sayo, wag mong pilitin ang ayaw sayo dahil baka may mas higit pa na naghihintay sayo sa dako pa roon...ingat abby at kisses and hug na rin kase si mike pinagbigyan mo kaya sana ako rin..waaaaaaaaaaaa
ReplyDeletePayatot and Mike,
ReplyDeleteSalamat sa laging pagbisita. feeling ko may nakikinig na sa lahat ng hinaing ko. Mwuahhh!!! sa inyong dalawa... para patas... hehehe
hi abby, napadpad lang dito sa mundo mo..
ReplyDeletepuno ng tensyon, galit at hinanakit..
oo, ramdam ko ang pait na nararamdaman mo...
minsan sa aking buhay, natikman ko na rin ang mapanghamak at hindi pantay na pagtingin, masakit dahil mismong mga magulang ko ang hindi makaunawa sa akin... mapait ang hindi maipaglaban ang tunay na pag-ibig..
hindi ko alam ang tunay na pinagdadaanan mo.. ngunit masakit din pala na hamakin ng sarili mong magulang ang iyong minamahal.. wala kang magawa..
gusto mong lumaban, alam mong mali sila sa kanilang ginagawa, ngunit di mo alam kung paaano.. paano ang gagawin mo? san ka dapat magsimula? sino ba talaga ang mali? ano ang kulang?
wag mong hayaang may pagsisihan ka sa darating na panahon, gawin mo ang tingin mo ay tama.
sundin mo ang puso mo...
hi an_indecent_mind ,
ReplyDeletesalamat sa oras mo sa pagbisita sa blog ko.
tama lahat ng sinabi... di ko alam talaga kung dapat pa bang ipaglaban.... wag kang magsasawang bumisita ha....
ingat po!
hindi ko alam kung paano ako nakarating dito sa iyong mundo na puno ng mga galit at emosyon....
ReplyDeleteang masasabi ko lang eh paghindi ukol hindi bubukol! joke lang...
Basta gawin mo kung ano ang magkakapagpasaya sayo.
at sana malampasan mo ang pinagdadaanan mo ngayon... kaya mo yan walang problema na hindi nalulutas.
Padaan lang...pabasa na rin :)
ReplyDeleteHindi naman lahat kelangan mong i-please...basta alam mo sa sarili mo na tama ang ginagawa mo at wala kang naapakang tao, ok na un...
Add na rin kita ah...wag ka na kontra, na add na eh :D
hi Lord CM,
ReplyDeleteTama ka.... hindi nga kailangang lahat ng tao eh pwede kong iplease....ang mali ko lang nagmahal ako ng sobra.
anyways.... salamat na rin sa pag-add. di na ako kokontra hehehehe.... ingat po ha!
hello abby!
ReplyDeletedumaan lang para mangumusta, hope ok ka na at ok na kayo..
nga pala, may tag ako sayo, paki-check na lang sa kwarto ko...
hanggang sa muli!
hi abby!
ReplyDeletesalamat sa walang sawa mong pagdalaw sa kwarto ko...
sabi mo occupied ng sakit mo ang oras mo?
hope ok ka lang... hug muna kita ng mahigpit na mahigpit.. hope ur better now!
lagay ka naman ng chat box...
ingat ka lagi!
may poot? :) abby, go ka na lang muna sa blog site ko para maibsan yan. http://tunaynaveyklas.blogspot.com
ReplyDeleteKitakits!
hi,napagawi lang ako, nasa sa iyo naman yan kung san ka maggiging masaya, komportable, maginhawa, at higit sa lahat kung kayamo bang harapin ang lahat ng konsekwenciang darating..ipglaban mo man o hindi still may posibilidad na masaktan ka pa rin...
ReplyDelete