
Akala ko... pag dumating sila magiging ok ang buhay namin... nagkamali ako! Lumipas ang ilang linggo lumabas din ang totoo. NAgkukunwari lang sila. Maraming nagkwento puros di naman totoo... pero ang masakit dun.... ibang tao ang pinaniwalaan nila. Grabe! ang sama-sama ng loob ko! biruin mo.... ako na nga itong ginago ng anak nila... ako pa ang sinisisi sa bandang huli. Ikaw nga ang tanungin ko? kung ang minamahal mo ay nagmahal pala ng iba ng di mo alam habang kayo pa... ano kaya ang mararamdaman mo?
Grabe!!!! pinaalam ko na sa kanila kung ano ang ginawa ng anak nila sa akin.... bakit sa bandang huli ako pa ang may kasalanan.... ako pa ang sinisisi! Hoy! hindi habang buhay pwede mo akong tapakan.... oo nga't pamilya kayo ng mga professional pero tingin ko di nyo alam paano gamitin ang mga natapos nyo! Di kayo marunong magmahal sa mga taong nagmahal sa inyo! Galit ako! galit na galit! dahil binalewala nyo yung pag aalaga ko sa inyo nung nandito kayo sa pinas.
Nung araw na kinausap nyo ako about sa pang gagago ng anak nyo sa akin....pakiramdam ko... may tumatadyak sa dibdib ko at may sumisipa sa likod ko....Kuyog ako dun ha!!!! pero wag kayong kampante dahil pagbangon ko... ako naman reresbak sa inyong dalawa!

sobra naman pala yan ano? kung ako yan baka naghuramentado na ako kase ginagago ako e..ang sakit nun ha! bakit ba may mga taong ganyan at akala mo sila lang ang nilalang sa mundo na marunong masaktan, ikaw din naman di ba nasasaktan ka rin..? sana alam nila yan sa totoong kahulugan ng salitang yon...
ReplyDeletewelkam na rin sa blogosphere abby
Hi payatot,
ReplyDeleteSalamat po sa comment. at least alam
ko na naramdaman mo kahit tuldok lang ng nararamdaman kong galit sa kanila. salamat na rin po sa pag welkam. wag kang magsasawa sa pagbisita sa blog ko.... ingat po palagi!
Hi! Hindi ko alam ang totoong istorya pero ayon sa mga nabasa ko, naramdaman ko ang galot at poot na nakatatak sa dibdib...
ReplyDeleteAt sang-ayon ako sa ginawa mong ito. Dito sa blog mo ibuhos ang mga init na nararamdaman mo at dito mo isabog ang sama ng loob na nararamdaman mo.
Makakatulong ang blog na ito para sa ikagiginhawa ng iyong kalooban.
Tuloy-tuloy lang. Welcome kita! Hugs na rin! At kiss? hehe. Baka lang makalusot. Ingat Abby!
Hi Mike,
ReplyDeleteSalamat sa oras at pagdama sa blog ko.... salamat sa pag welcome... sa hug mo at sa kiss na rin... ayan ha nakalusot ka na.. heheheh
ingat din po palagi..